QUICKIE!!!
What has been happening to me?
hmm..
Our prelims was finally over..
short recap:
Humanities - Ok naman. I think had someone studied with great effort, he would get a perfect score sa exam. Pero as expected, I studied, but not with great effort and so I know for sure I won't get a perfect score. Anyhow, at least I know naman *crossin fingers* na mapapasa ko yung exam kahit pano.
Asian Civ. - Actually I was surprise na hindi naman ganoon kahirap yung exam KUNG NAGARAL KA NA NG BONGGA!! Yun. For sure you'll get high grades din. My regret is that hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin yung chapter 5 na tungkol sa mga dynasty ng China.. putteeekkk.. ang daming tanong dun. =(
NCM - If there's such a word to decribe EVERY NCM major exam, it would have to be VAGUE. Vague because for some reason, while taking the exam, I find myself asking well, my self (haha..) over and over these things:
"Puutteeekkk..diniscuss ba sa 'min 'to??"
"Ha?? Ano naman 'to? San galing tong mga 'to???"
"Anak ng tinapa.. may ganito pa silang nalalaman..!!!!!!taaaaaeeeeeeee!!!"
And then I would release a deep frustrated sigh afterwards. Buti na lang pag dating ng mga exam, lumalabas yung isa kong personality (Yes. I have a LOT of personality. May disorder ako..) and that is me being a Psychic. I try to use my ever cunning ability na manghula at mag-trust sa aking cracked instinct. Hmm.. diyan ko inaasa ang pagpasa ko sa NCM sa malimit na pagkakataon.
You are prolly wondering bakit hindi ko try mangopya. Simple lang.. Kasi naman yung sa NCM eh situational ng bonggang bongga ang mga exam. Pwede ko namang basahin na lang at irationalize on my own kahit medyo baluktot. . Kesa naman mahuli pa ako at mabansagan harap-harapn na 'cheater'. Saka isa pa, yang pangongopya na yan eh DEPENDE talaga. depende sa proctor.
Types of Proctor
a. Gaze-down - From the term itself. As in after niya maidistribute ang exam, pupunta na siya sa sarli niyang mundo at kakalimutan ang mga estudyante sa harap niya. Kadalasan ang sanhi nito ang ang walang tigil na pagtetext ni Mam. Yun. Maganda daw kasi yung ambiance sa room. Masarap magtext lang. Minsan naman may dala siyang calcu dahil mukang mega cram ang lola mo sa pagcompute ng grades.. Tipong kiber siya kahit garapalan na ang pagkokopyaan ng mga estudyante.
b. Walk-a-Walk - Sila naman yung CI na parang napapaso ang pwet kapag umuupo sa table sa harap kaya maglalakad na lang sila. As in maglalakad na lang sila forever. Minsan tamang pulot na rin ng balat ng kendi kapag may nakita (balak pa atang palitan sila Ate Mercy.. o_0).. At pagkatapos nilang maglakad ng maglakad, sisilip sila sa labas ng pinto saglit tapos, back to business. Lakad mode na sila uli.
c. Try-Me-Not - Sila naman yung kahit hindi mag-lakad o maupo sa harap eh hindi mo talaga tatangkain, ni isipin na mangopya sa katabi mo. Bakit? Simple. Dragon sila. Nakakatakot. Deadly. Nakakamatay. Feel free na mag-isip ng iba pang brutal words, sila yun (pag-exam lang naman..). Yung tipong kahit itapat sa yo yung papel ng klasmeyt mo, magagalit ka pa at sasabihing,
"Hayooopppp.. alisin mo na yan! Kahit pa iduldol mo sa mukha ko yan wala akong balak tignan yan. Di bale ng zero!!!!"
d. Unsorted - Sila yung hindi kabilang sa mga unang typed na nabanggit ko. Kasi they are too average. Too common. Too boring. Too lame.. Moody. Minsan nakatingin sa malayo. Minsan nakatingin sa yo na tipong tamang hinala. Sala sa lamig, sala sa init. No definite being. Korny.
++
Yung thesis naman namin. Ayun, ganun pa din siya. Magsisimula palang kami sa analysis and interpretetation. Hai.. Magaling kasi kami. Kaya namin yun magic-in. Haii.. Wish ko lang.
Yan na muna for now ang aking update. Quickie lang!..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment