Sunday, January 18, 2009

kapalpakan at iba pa..

Panapananaw lamang..



Sa dinami-dami ng errors na pwedeng i-commit sa pinili kong propesyon, hindi siguro talaga maiiwasan na kung minsan (huwag naman sanang maging madalas) na makagawa ng mabigat na pagkakamali.

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi kayang higupin ng utak ko ang lahat ng imporamasyong kailangan ko habang buhay.

Nakakainis na may hanggan ang lawak ng kaisipan ng tao. Pero hindi ko rin naman pwedeng kwuestyunin ang mga bagay-bagay na ganoon kalalim. Naniniwala ako sa Taas at alam kong may dahilan ang bawat bagay.

Nakakalungkot lang, at nalulungkot ako at naiinis sa sarli ko na sa bawat kapalpakan ko sa linyang ito, buhay ng tao ang nakasalalay.

Palagi kong sinasabi na gusto ko ito,. na masaya ako sa direksyon na 'to. Na maalaga akong tao. Pero siguro nga, bubot pa ako. Hindi pa sapat ang kaalaman.. mahina.. mabuway.

Sana isang taon mula ngayon matatag na ako at karapat-dapat sa posibleng propesyon ko.

Gusto kong isigaw sa mundo, sa lahat ng tao kung gaano ang katangahang naipamalas ko sa araw na ito.. pero huwag na. Mag-iiba pa ang tingin nila kay 'Ghie'..

Tae di ba.

Sa yo, hindi mo ito mababasa at kampante ako.. salamat po. Sa gamilyang haba ng pasensiya at pang-unawa. Ang laki na ng utang ko sa iyo.

Chie-chie..tandaan natin. Enero bente, dos mil nuwebe..

No comments: