I read this piece sa LUMAD. It had always been one of my favorite. I love the uniqueness of it and just everything. I sometimes wish I was the one who wrote this but no.
Anyhow, here it is:
PAGSILONG SA DILIM (isang tula ng pamamaalam)
Aking titikluping isang bangkang papel
Ang langit ngayong gabi
At huwag ka nang magtaka
Kung bakit
Lulan ako nito’t maglalayag
Bitbit-bitbit ang mga tala,
Kilik-kilik sa mga balikat
Ang mga panahong ayaw nating may kalangitan
Huwag mo na ring itanong sa hangin
Ang kuwento ng mga nabubulok na mansanas
Dahil hindi siya iimik
Wala kang maririnig kundi dighay
Kaya’t tumahan ka na
At itikom ang mga nakangangang bibig
Hanggat hindi pa dumaraong ang umaga.
Tulungan mo na lang akong matulog
Sa pagpikit ng iyong mga mata
Huwag kang mumulat
Hanggat hindi pa sumasayad ang angkla
Sapagkat para sa akin ang ilalabo ng mga bituin
At ihihikab ng mga ulap
Buburahin ko sila ng mga kurap
Habang unti-unting nilalamon
Ang tinuping langit ng dagat.
No comments:
Post a Comment