Sunday, November 29, 2009

Akalain mo nga naman...

Makalipas ang ilang libong taon, naalala kong may BLOG nga pala ako. Hahahahaha. Marami ng nangyaring kababalaghan ang kagaguhan sa buhay ko.

1. Pumasa ako ng Board Exam. Oo. Akalain mo nga naman, nakadali din. Chamba or kung ano man yun, feeling ko destiny ko talaga ang one time take lang. (Oo. Mejo mayabang ako.) Pero pinaghirapan ko naman yun. Nalungkot lang ako (at si Maja rin) kasi hindi kami nakapasok ng Top 10. So sad.

2. Nagkatrabaho na ko agad tapos ng board at ng 4 na taong pagaaral ko sa Narsing, pero ang naging hanap-buhay ko ay wala sa kalingkingan ng inaral ko. Call Center. Oo. Call Girl ako. Bayaran at kumakayod ng buto and ginagamit ang lalamunan sa gabi.

3. Umalis ako sa unang trabaho ko na yun sa wag-na-nating-banggitin-pa dahil TOXIC yung account. Nung nag-pasa ako ng resignation form, sabi ng boss ko, baka raw magagawan pa ng paraan, kasi CHINECK niya daw at MAGANDA daw ang record ko sa kumpanya (BTW, Top 1 ako sa Training namin dun. Yun lang) pero tapos na ang training at kung ang sinasabi niyang magandang record ko ay yung nasa floor na ako, sasagutin ko sana talaga yung Boss ko na 'Tang'na Boss, wala namang bastusan.' Get's mo? Puros kalokohan lang ako dun.

4. Bagong trabaho. Sa Makati (narining mo ba si Binay sa utak mo? 'Sa Makati..') Masaya ako sa trabaho ko ngayon, bukod sa hindi stressful, maganda ang ambiance at environment. Pero siyempre, hindi pa rin to sa linya ng tinapos kong kurso kaya malamang, di rin ako magtagal dito.

5. Hindi na ako nakakapag choir. Eto seryosong bagay. Nakakadepress talaga. Sakto talaga yung song line na 'Don't it always seem to go, that you don't know what you got till it's gone..'


BTW, nasa opisina ako ngayon at imbes matulog eh inuna ko talaga to.

Yun lang. Akalain mo nga naman.

No comments: